WEATHER: Bagyong Jenny parating na

 UPDATE: Visible na ngayon ang mata ng Typhoon #JennyPH (#KOINU), habang patuloy na binabaybay ang Philippine Sea at patuloy na tinutumbok ang southern #Taiwan.



Lumakas pa ang bagyo at taglay na ngayon ang lakas ng hangin na umaabot sa 150 kph at pagbugsong umaabot sa 215 kph. Kumikilos ang bagyo sa direksyong Northwestward sa bilis na 15 kph.


Bagama't bumababa na ang tsansang mag-landfall sa bansa, inaasahang makakaranas pa rin ng hagupit ng bagyo ang #ExtremeNorthernLuzon.


Inaasahang patuloy pang lalakas ang bagyo bago tuluyang mag-landfall sa #Taiwan sa Miyerkules ng gabi o madaling araw ng Huwebes.


Patuloy namang palalakasin ng bagyo ang #Habagat na inaasahang magdadala ng mga pag-ulan sa #Luzon at sa #Visayas lalo na sa kanlurang bahagi.


Maging handa sa banta ng mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa. | Via PWS/PSU

Post a Comment

Previous Post Next Post