RAFFY TULFO: Polisiya ng LTO ay anti-poor






 Kung ikaw ay isang mahirap na mamamayan at nais mong matutong magmaneho para gawin mong hanapbuhay ito, kinakailangan mo munang mag enroll sa isang accredited driving school ng LTO. Ang singilan dito ay aabot sa ₱5,000.00 pataas. 


Dagdag pa rito ang ₱500.00 para sa eye exam na babayaran mo sa isang outsourced eye exam center.


Hindi ka pa nga kumikita, lubog ka na agad sa utang.


Bakit hindi na lang ipaubaya ang practical driving sa mga kakilala na para maka menos gaya ng common practice sa ibang bansa. 


At pagdating naman sa theoretical driving pwedeng maglagay ang LTO sa online ng manual hinggil

sa safety driving, traffic rules and regulations, road signs and etc., na pagaaralan ng mga aplikante bago sa kanilang actual written exam sa LTO.


Ang serbisyong ito ay dapat libre. At pagdating naman sa cardboard eye exam, pwede na itong gawin sa loob mismo ng tanggapan ng LTO na kasama na sa bayad ng pagkuha ng driver's license.


Pero sa mga taong may kakayahang magbayad ng mataas na singil sa driving school ay karapatan pa rin nila ito.


Ang pagmamaneho ay isang basic life skill kaya dapat ilagay sa curriculum ng senior high school ang theoretical driving na balang araw ay magagamit nila.


Magpapasa ng resolution in aid of legislation si Senator Idol Raffy Tulfo para maimbestigahan at hindi na maging pahirap para sa mga pobre nating kababayan na makakuha ng driver's license.

Post a Comment

Previous Post Next Post