Barangay San Agustin Isla Verde, Batangas City umabot na ang oil spill

Barangay San Agustin Isla Verde, Batangas City umabot na ang oil spill





Umabot na rin sa Barangay San Agustin [Kanluran] Isla Verde, Batangas City ang oil spill batay sa mga ibinahaging larawan ng ating kabalisong na si Georgina Montemayor.


Sa ngayon, nagsisimula na ang paglilinis ng mga tauhan ng PCG sa nangyaring oil spill mula sa lumubog na tanker ng MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.


Samantala, hindi naman maiwasang mabahala ng mga residente ng Isla Verde lalo na't dumarating na muli ang mga turista sa isla matapos ang pandemya at maging ang kabuhayan ng mga residente doon ay apektado.


Higit pa rito, kinikilala sa buong mundo ang Isla Verde bilang "Center for marine Biodiversity". | 📸 Georgina Montemayor

Post a Comment

Previous Post Next Post