Ogie Diaz nag labas ng galit Kay Liza Soberano

 Isang araw matapos na ilabas ni Liza Soberano ang kanyang bagong video sa kanyang YouTube channel ay naglabas na rin ng saloobin si Ogie Diaz ukol dito. 



"Kung sinasabi ni Liza na parang kino-control siya ng mga tao sa paligid niya, kung ako man yan o Star Magic, gusto kong magpasalamat kay Liza kasi sinunod niya kami kaya siguro sumikat siya


"Imaginin niyo ha, kung walang nangyari sa career ni Liza noong hawak ko siya at ng Star Magic, malamang iba ang narrative niya ngayon. At least okay na 'yan. Kaysa naman sa nagra-rant na walang nangyaring maganda sa career 'di ba?


"Nabigyan mo ng bahay at magandang buhay. Nakakapagpadala ka rin ng tulong sa Mommy sa States. Naibili mo ng bahay ang lolo't lola mo sa States na kumupkop sa inyo noon gmga bata pa kayo sa Amerika....Lahat 'yan dahil sa'yo. Dahil sa pagiging Liza Soberano mo anak


"Ito anak ah, wa etchos to. I wish you good luck sa bagong bihis na Liza Soberano. Alam mo ito, lagi kong sinasabi kahit kanino. Malaki ang utang na loob ko sa'yo. Dahil ang mga kinita ko sa'yo bilang manager, ang pinambabayad ko sa hospitalization ng inaanak mong si Meera Khel noong 2017 na six years old na siya ngayon,” saad ni Ogie sa kanyang YouTube vlog.


Photo by Liza Soberano, Ogie Diaz (Facebook)

Post a Comment

Previous Post Next Post