Suzette Doctolero bitter sa Batang Quiapo dahil sa mataas na Ratings nito

 SUZETTE, BITTER SA #BatangQuiapo



Suzette Doctolero bitter sa Batang Quiapo dahil sa mataas na Ratings nito

Ilang gabi pa lamang umeere sa primetime ang bagong obra na FPJ's BATANG QUIAPO,  eh talaga namang napakagandang numero na ang ibinibigay ng sambayanang Pilipino. Syempre pa, mapa-TV RATINGS , concurrent views ( sa YouTube, Facebook atbp), at kabilang dyan ang mga consistent trending topics sa Twitter at malawak na reach at engagements sa lahat ng digital platforms.


Kamakailan lamang nagpalabas ng artcard ang TV 5 via Twitter, kung saan ibinahagi nito na wagi ang BATANG QUIAPO sa TV RATINGS kumpara sa Maria Clara at Ibarra  na APAT NA BUWAN na umeere. For obvious reason hindi ito matanggap ng Kamuning writer. At nagpahaging pa na peke ang naturang ratings.


Kaya naman, nagyabang siya at ipinagmalaki na dikit ang laban ng BQ (BATANG QUIAPO ) at MCAI (Maria Clara at Ibarra) sa tv ratings. 


Pero agad na napansin ng mga netizens na ang ipinagmamalaking ratings ni Kamuning writer ay hindi tama. Sapagkat isinama nya ang delayed telecast ratings ng nasabing teledrama. Ganito ang pang-unawa niya sa "combined ratings".


Ang TV ratings na naibahagi ng TV 5 na ayon mismo sa datos ng Nielsen Philippines ay ratings (sa parehong timeslot). Pero hindi ito matanggap ng ate nyo Suzy.  At ipinagpipilitan na kapag sinabing "combined ratings", ay dapat matic na kasama ang ratings kahit na ito ay delayed telecast o replay.


#BatangQuiapo

#Number1

#PrimetimeBida 

#FPJsBatangQuiapo 

#Kapamilya

#A2Z

#TV5 

#TFC

#KapamilyaChannel

#KapamilyaOnlineLive

Post a Comment

Previous Post Next Post