CHARMING NA BUKO JUICE VENDOR

 CHARMING NA BUKO JUICE VENDOR



Kinilig ang mga netizen sa kaguwapuhan ng buko juice vendor na si Frenchant Camino. Naispatan si Camino ng content creator at artist na si Miss Yan Salvador sa Iloilo Ferry Terminal habang naghihintay  sa bangka papuntang Guimaras.



"Kasi we're on our way sa show namin sa Buenavista tapos pumasok siya (Camino) sa boat namin na nagtitinda ng buko juice, ang guwapo niya parang pa-perfect na hahaha," kuwento ni Miss Yan sa News5.


Mabait at napakagalang aniya ni Camino lalo na sa mga tumatangging bumili ng mga paninda niya.





"Kaso parang pagdating sa akin, dalawa bibilhin ko sana, sabi niya tatlo na lang daw, baka gusto ko nang ubusin 'yung buko juice, kaya sabi ko go! Siyempre budol hahaha pero masarap naman 'yung buko juice niya hahaha."



Napabili ng tatlong buko juice si Miss Yan at 'di makapaniwala na magba-viral ang mga retratong kuha niya kay Camino.


"Ipagpatuloy niya lang [ang pagsusumikap]. Nakakahanga ang kapag ganyan kaguwapo tapos naghahanapbuhay nang tama. Tsaka sana mas marami pa siyang mapakilig sa buko juice niya." 


📷: Miss Yan Salvador, Kevin Gray

Post a Comment

Previous Post Next Post